14 December 2008

Ikaw Ang Aking Buhay

Nang maramdaman ko ang iyong pagpintig,
Napuno ng sigla ang aking daigdig
Ipinangako sa sarili na sa iyo iaalay,
Lahat ng makakaya, kahit ang aking buhay.

Habang ikaw nga ay nasa aking sinapupunan,
Bawat paggalaw mo’y sadyang hinihintay
Kaligayahan ang hatid sa puso’t isipan
Ang ngiti sa labi ko ay hindi napaparam

Ang iyong pagsilang ay pinananabikan
Hindi ko mahintay na ikaw ay mahawakan
At nang makita ka wala akong masambit
Isa kang munting anghel na kaloob ng langit

Dumaloy sa mata ko luha ng kaligayahan
Habang yakap kita sa aking kandungan
Ika’y ligaya ko at inspirasyon sa buhay
Tanging ang maghihiwalay sa atin ay ang kamatayan

Binantayan ko ang iyong paglaki
Wala akong hinangad, kundi iyong ikabubuti
Lahat ng hirap ko at mga pighati
Ay naiibsang lahat, kapag ikaw ay ngumiti

Iniwan nga kita noong ika’y musmos pa
Walang katiyakan kung muling magkikita
Ngunit sa puso ko’y laging andito ka
Hindi ka nawala sa aking alaala

Anak ikaw ang buhay ko at wala ng iba
Lagi kong dalangin na muli kang makasama
Muling maramdaman yakap mo sa twina,
Ang makapiling ka, tunay na ligaya.

Author: Zyrel

*Published in True Friends Newsmag (October 2008 issue)

No comments: