Dito sa Hong Kong, karamihan sa atin ay dito nakikilala ang mga kaibigan. Dito na tayo nagkakaroon ng mga new friends, bestfriend or circle of friends. Nagtitiwala na tayo agad-agad sa mga taong nakilala natin. Kasi naman unang araw pa lang nagpapakita na sa atin ng kabaitan. Nililibre ka na niya agad ng lunch or dinner kasi kesyo wala ka pang sahod kasi baguhan ka pa lang. Ikaw naman na bago pa lang akala mo totoo siya sa ginagawa niya at maluwag sa kalooban niya na bigyan ka. Hindi mo alam na hinuhuli lang pala niya ang iyong loob, na oras na mag-tiwala ka sa kanya BINGO na siya sa iyo. Mag sisimula na yan magsasabi ng mga financial problems niya. Hindi masama ang tumulong pero dapat may limit tayo, kasi naman may kapwa tayo OFW diyan na sa tagal ng pamamasukan niya wala pa ring ipon, puro utang na lang. Pag hindi pa nag-kasya ang inuutang, aba pati mga bagong salta na kababayan bibiktimahin. Mag-mamakaawa na i-pangutang sila sa bangko kahit konti lang, sila daw ang bahala sa monthly fee pero huwag ka, hanggang umpisa lang yan, pag naka dalawang hulog na iyan mag-tatago na at hindi mo na mahahagilap. Pag tinakot mo naman sila pa ang nag-mamalaki. Sila na ang tinulungan sila pa ang may ganang magalit.
Sa mga kababayan natin na bagong dating lang. Hindi masama ang makipag-kaibigan pero dapat maging mautak ka rin hindi iyong ikaw ang uutakan. Kayo naman diyan na nang-raraket ng mga kapwa, makonsensya naman kayo. Pare-pareho tayo na naghihirap sa pag-tatrabaho; pare-pareho tayong dayuhan dito dapat tayo ‘yung nag-kakaisa, nag- tutulungan at nag-mamalasakitan sa isa’t-isa. Masaya ka ba sa ginagawa mo na panloloko sa kapwa mo? Nakakatulog ka pa ba sa masamang gawain mo? Nagka-pera ka nga pero galing naman sa masamang paraan. Kaibigan ito ang iyong tandaan, ang pera na hindi mo pinaghirapan wala iyang patutunguhan, hindi gaya ng pera na pinagsikapan mo, galing sa hirap at pawis mo malayo ang mararating mo kabayan.
Ang mga iba naman diyan na mautak din, nag-papautang pero grabe naman ang taas ng mga interest talo pa ang bangko dito.Tutulong ka nga ‘di mo pa lubusang tulungan ang ating kaibigan. Business nga lang naman walang masama pero hindi mo ba iniisip na sa halip na makatulong ka lalo mo pang pinabagsak ‘yung pinautang mo dahil sa taas mong magpatong. Nag-hihirap na nga ‘yung umuutang sa’yo, mas lalo mo pang pinahirapan. Ang kayamanan natin dito sa ibabaw ng mundo ay hindi natin ‘yan madadala sa kabilang buhay.
Whoever puts God first in his life will be the first in His kingdom but whoever puts God last in his life will be the last in God's kingdom. Thank you sa lahat ng mga readers na nag-send ng comments, sama-sama uli tayo next month sa November issue.
Author: Ed Roquel, True Friends Newsmag
*Published in True Friends Newsmag (October 2008 issue)
No comments:
Post a Comment