14 December 2008

Nakaw Na Pag-ibig

Mga kababayan nandito na naman tayo. Sama-sama nating harapin ang mga problemang dumarating sa atin lalo na sa ating mga mahal sa buhay. At ating pag-usapan ang karamihan ng mga nangyayari sa atin na kadalasan, kung hindi pera ay ang ating mga asawa.

Marami diyan na nananabik sa yakap ni Misis o ni Mister. Kaya ang iba sa ating mga kababayan naghahanap ng substitute para maibsan ang kalungkutan at upang mapunan ang panganga-ilangan ng katawan. Mayroon namang iba diyan na katabi na nga ang kanilang asawa pero hindi pa rin makuntento at ang hanap pa ay ibang papa na magbibigay sa kanya ng pangangailangan lalo na sa pera.

Yung mga iba diyan na ganito ang gawain ‘di ba kayo nakukonsensiya lalo na kung pareho kayong may mga anak. Oo nga at wala dito ang asawa mo at dito mo lang siya kasintahan ngunit ‘di mo ba naaalala ang asawa mo tuwing ibang lalaki o babae ang katabi mo? Alalahanin mo na lang ang mga anak mo na nagmamahal sa iyo. They know that you’re working here for them. Umaasa silang hindi mo ipagpapalit ang tungkulin mo bilang isang ina, sa kanilang pamilya mo. How could you tell them one day na may iba ka nang pamilya; masakit iyan para sa mga bata. Ang mga bata ang unang-unang naapektuhan ng gulo na pinasok mo. Dapat sana bago mo ipinagpalit ang asawa mo ay pinag-isipan mo munang mabuti kung makakabuti ba o hindi ang gagawin mo. Pero kung tawag lang ng laman at kamunduhan iyan kaya ka nakikabit o dahil wala kang katabi, aba, piliin mo naman ang taong kakasamahin mo! Hindi iyong may masisira kang pamilya. Mas lalo na nga kung ikaw ay may asawa na at anak tapos ganon din iyong sasamahan mo eh mahiya ka naman sa sarili mo. ‘Di lang pamilya mo ang sinira mo kundi pati pamilya ng kinakasama mo. Pag ikaw pinagsabihan na kabit di ba nakakahiya or sabihin na kaya mo siya kinasama dahil siya ay may pera o wala kang masandalan. May mukha ka pa kaya na ihaharap sa mga anak mo, o kung dalaga ka mahiya ka naman sa magulang mo. Hindi tayo laging tama sa inaakala. Dahil kung minsan masyado tayo mapangarap o ambisyosa at padalos-dalos sa ginagawa. Hindi na tayo nag-iisip kung ito ba ay tama o mali. Patawarin ka man ng asawa mo sa ginawa mo, may mantsa na rin ang inyong pagsasama. At doon na mawawala ang respeto sa isa’t isa. Baka gayahin ka pa ng anak mo pagdating ng araw, dahil kung ano nakikita ng mga bata sa mga magulang iyon ang ginagaya nila; parents are the first teacher of their kids kaya dapat tayo ang magsilbing magandang simbolo sa kanila, sa halip na maging bad influence sa kanila.

Iyong iba naman diyan na sila pa nga ang kabit, aba, sila pa ang may ganang magtaray at sila pa ang may lakas ng loob na tumawag sa original na asawa at hindi lang iyon, sa madaling araw pa tatawag para awayin iyong original tapos sasabihin ‘di ka na mahal ng iyong asawa, ako na, kasi mas magaling ako sa iyo. Mahiya ka naman sa balat mo you’re not the original spouse so you don’t have the right to act like the original one. Kung baga nakikitikim ka lang o nanghihiram lang kaya dapat manahimik ka. Makosensiya ka naman. We are here to work and not to seduce the partner of others. Ang asawa ng may asawa ay dapat sa kanya lang, not unless they are legally separated or widow.

There’s only one happiness in life. That is, to love and to be loved. And not to share with the partner of your neighbor. As written in the bible –- “Thou shall not covet thy neighbor’s wife.”

Author: Ed Roquel, True Friends Newsmag

*Published in True Friends Newsmag (November 2008 issue)

No comments: