1. MAGKAROON NG MALAWAK NA PANG UNAWA. Igalang ang paniniwala ng ating kapwa anuman ang relihiyon na ating kinaaniban.
2. MAGING MAGANDANG EHEMPLO SA IBA. Ipakita sa ibang tao na ang mga natututunan sa loob ng anumang kongregasyon ay nabubuhay sa araw-araw.
3. IWASAN ANG PAGIGING MAKASARILI. Huwag gamitin ang ating kapwa para sa pansariling kapakinabangan. Ang paghiram ng pera gamit ang pangalan ng ibang tao ay hindi makatwiran.
4. MAGLAAN NG SAPAT NA PANAHON SA SARILI. Gaano man karami ang ating trabaho sa araw araw, nararapat lamang na hindi napapabayaan ang ating kalusugan dahil ito ang ating puhunan sa ating mga paggawa.
5. MAGING TAPAT SA KABIYAK. Huwag pabayaang masira ang pamilya habang nasa malayong dako, mahalaga ang kumunikasyon at tiwala sa isa't isa.
6. MAGING POSITIBO. Harapin ang anumang problemang dumarating sa ating buhay. Sa halip na sumuko, gawin itong inspirasyon upang mas maging matatag.
7. IWASANG GUMASTOS NG HIGIT SA KINIKITA. Matutong magtabi ng sapat na halaga buhat sa ating pinagpaguran. Iwasang magwaladas ng pera sa mga walang kwentang bagay lalo na sa luho
8. MAGING TAPAT SA AMO. Iwasang matulog sa oras ng trabaho o gumawa ng ibang bagay na hindi dapat sa panahon ng paggawa, dahil ito ay isang uri ng pagnanakaw ng oras sa ating pinagsisilbihan.
9. MAGING MAPAGMALASAKIT. Iwasang gumawa ng mga bagay na maaring maging dahilan ng pagbagsak ng ating kapwa, mahalaga ang ating trabaho dahil sa ating pamilya na umaasa sa sa ating bansa.
10. HUWAG MAGING MAPAGMATAAS. Panatilihin ang magandang samahan, maging mapagkumbaba anuman ang ating narating. Huwag kalimutang magpasalamat sa Panginoong Diyos sa mga biyayang natatanggap natin sa araw araw.
Author: Zyrel
08 January 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment