Ano ba ang nakukuha natin sa ginagawa nating pakikialam sa buhay ng iba? Wala naman tayong mapapala nito. Kung may narinig kang kuwento baka naman pwedeng huwag mo ng ipamalita sa iba. Dahil ang kulang baka madagdagan pa. At isa pa masama ang dating nito sa taong pinag-uusapan. Eh, ano kung may ginawa iyong tao? Buhay niya iyon eh. Alam naman niya na mali na ang ginagawa niya, kaya 'di na dapat para siya ay i-tsismis.
Oh ikaw ba naman na nag-kukuwento perpekto ka ba? Wala ka bang ginagawang kababalaghan Dahil lang sa tsismis marami ang buhay na nasisira maraming pamilya ang nawawasak kasi nadadala sa sabi-sabi ng iba. Lalo na iyong mga kababayan nating galing sa i-isang baryo na nag-sisiraan. na maayos natin ang mali hindi naman nagkakaganoon, dahil lalo lang nating dinadagdagan. Kumbaga sa isang pelikula kung may bida, may kontra bida. Ganyan ang tsismis kung may nagbibida na nagtsi-tsismis, may nakikinig, 'di ba? O kaya sabihin na lang sa nagkukuwento, iba na lang kaya ang pag-usapan natin? Wala naman tayong mapupulot o mapapala diyan.
Iyan ang dapat na gawin, bilang kagandahang-asal. Pero talaga lang, para sa mga kapwa natin kababayan na mahilig mag-tsismis, 'pag may naririnig siya tungkol sa iba, 'di na mapakali kung hindi ikuwento sa iba. Doon na nagsisimula ang away at hindi pagkakaintindihan. Kaya kung minsan kahit na mismong malapit na kaibigan o kasambahay mo lang tsini-tsismis mo ang buhay niya. Kung ano ang kinuwento niya sa iyo, ikinuwento mo na rin sa iba. Paano kaya kung ikaw naman ang pagkuwentuhan ano naman kaya mararamdaman mo? 'Di ba masakit o nakakahiya? So, it's better na i-zipper your mouth na lang. Kung ano man ang nakita mo o narinig tumahimik ka nalang at huwag mo ng pakialaman ang buhay ng kapwa mo dahil hindi tayo perpekto at lahat naman tayo ay may kasalanan. Kaya wala tayong karapatang mang-husga sa ating kapwa.
O, mga minamahal kong mga readers, magsama-sama tayo sa nalalapit na kaarawan ng Anak ng Ating Poong Maykapal. At tayo ay dumalanging nawa'y maging maayos ang buhay natin dito. At baguhin na natin ang hindi magandang asal na taglay. Maligayang pasko at manigong bagong taon!
Author: Ed Roquel
*Published in True Friends Newsmag (December 2008 issue)
No comments:
Post a Comment