Sa atin sa Pilipinas tatlong social classes na pamumuhay ang pinoy, upper class, middle, at lower class. Karamihan sa atin na domestic helpers come from middle class at lower class. Sa status ng OFWs in Hong Kong, tatlong klase din sa tingin ko ang pamumuhay: Upper class are those pinoys who enjoy their earnings, run and own their business. Middle class pinoys are the employed professionals who enjoy all the benefits of their employment including the Right-Of-Abode. Lower class are the domestic helpers –- no matter kung ano man ang kurso mong tinapos, domestic helper ka pa rin. This “category” does not enjoy benefits such as right of abode at iba pa. The salary kung ano lang ang approved ng host country; working more than the minimum hours at usually discriminated kahit sa kapwa pinoy. If you don’t like your employer, you cannot change or look for another at anytime or else you will have to go home and start all over again. Ang domestic helpers are what I consider as low-earning OFWs. There are 3 major reasons why we went to work abroad. First, we want to have a decent house, secondly, mapag-aral ang mga anak at lastly, makapagtatag ng sariling negosyo. Kaya nang dumating dito sa Hong Kong ang Pangulo nuong Marso, realistic housing scheme for OFW ang pangunahing “request” ang hiningi namin. Sa $3,580 na sahod ng isang domestic helper, mahirap pa rin maglaan ng budget para sa isang decente na bahay. Ang 10 % down payment makes us hard to budget unless we have to make another extra loan from financing. Kahit ang pangulo nakita n’ya ang pang down-payment sa housing loan ang malaking balakid para ma-avail natin ang housing benefits. I am looking forward that real estate company will offer soon zero down-payment for housing program at gawing priority for low-income OFWs. Ang pamahalaan ay maraming scholarship program, but ilang porsyento ba sa mga low-income OFWs ang nakaka-avail nito? Parental absence is one major reason naman kung bakit karamihan sa mga anak ng OFWs cannot maintain the average grade required sa scholarship program. While our domestics helpers care for other families, napabayaan nila ang sariling pamilya. Ang programa ng pamahalaan sa scholarship program ay ‘di hamak na maliit para sa percentage number ng mga OFWs. Kaya mahirap hanapin ang success stories sa mga anak ng low-income OFWs na nasa nabanggit na program. Dapat maglaan ang pamahalaan spcecifically para lang sa mga anak ng low-income OFWs o di kaya isang programang vocational – being the least privileged among the OFWs that I mentioned above. Sa Pilipinas, ano man ang sahod mo may nakalaan para sa iyong pagtanda. Sa ngayon wala pang programa ang gobyerno natin sa retirement scheme for OFWs. Sana isa rin ito sa pangunahing bagay na dapat nating tingnan sa ating pagtanda kung wala na tayong kakayahan sa pagtrabaho sa abroad. Mga Bagong Bayani ng Bayan, ano ang mangyayari sa ating 10 to 15 years from now? Kung ang SSS ay ang kasagutan, dapat gawin nating kaugalian magpamyembro at magset aside for the future. Sa mga pagpupulong karapatan natin makibahagi at magbigay ng opinion particularly ang pagdesign ng retirement scheme para sa atin na mga OFWs. Ang OWWA o Overseas Welfare Workers Administration ay ahensiya ng pamahalaan na dapat mag-isip para sa kapakanan nating mga OFWs. Nararapat lang nating tanungin sila kung anong klaseng mga welfare scheme ang mga nakadisenyo sa atin lalo na sa sampung taon o mahigit pang pagmimyembro. Naiplano na ba nila ito?
On my next article, I will be sharing my opinion on the following topics: Every month many new associations are born. Are these Associations or just simply social clubs? What are the purpose, objectives, missions and visions of these Associations? Ito ba ay makakatulong sa ating mga OFWs o dagdag gastos? Abangan sa next issue.
Author: Jojo Sapio
*Published in True Friends Newsmag (October 2008 issue)
No comments:
Post a Comment