30 January 2009

Konsensiya

KUNG HEI FAT CHOY sa mga kababayan natin. Pagnanakaw – marami na ang kasong ganito hindi lang dito sa Hong Kong kundi pati na rin sa iba't ibang sulok ng daigdig. Bakit nga ba may nag-nanakaw o mandurukot? Dahil kaya sa hirap, sakit na niya ang pag-nanakaw o wala siyang magawa sa buhay niya kaya niya nagagawang magnakaw o baka kaya naman galit siya sa taon na pinag-nakawan niya.

Tulad na lang sa Worldwide, nag-kalat ang mga kawatan; hindi lang mga shop ang ninanakawan kundi pati mga kapwa kababayan natin na alam na maraming dalang pera dahil kakasuweldo pa lamang at magpapadala sa kanilang pamilya. Hindi ba kayo na- kukonsensiya sa ginagawa ninyo? Sa masama mong ugali na nag-nanakaw ka ng pinaghirapan ng iba! Hindi ba ninyo naisip na pinaghirapan at kinita mula sa pawis at dugo ng ating kababayan ang ninanakaw ninyo? Kung kapit man sa patalim ang dahilan ninyong mga kawatan, isaalang-alang naman sana ninyo ang bagay na ninanakaw o dinudukutan ninyo. Naisip ba ninyo kung ano balik niyan? Kung hindi man sa iyo mismo ang balik niyan, sa pamilya mo babalik ang mga ginawa mo. Iyon ay ang tinatawag na KARMA. Inisip mo man lang ba kung tama ang ginagawa mo? Pero sabagay kung talagang gawain mo na ito, manhid ka na talaga o wala ka ng konsensiya sa ganoong bagay. Hindi mo na iisipin kung ano kahihinatnan ng ginawa mo! Ano kayang mukha ang ipapakita mo sa pamilya mo kung sakaling ipinapulis ka dahil sa pagnanakaw? Sabagay sosyal naman ang dating dahil you become an international shoplifter. Yun nga lang wala ka na ring trabaho, kaya goodbye Hong Kong ka na rin.

Sa mga kapwa natin OFW porke't hindi tinitignan ni amo ang listahan, sige ang sulat ng mga pinamamalengke kahit hindi naman binili. Dinadagdagan at pinapalaki ang presyo ng pinamimili maka-ipon lang ng pambili ng phonecard na pantawag sa pamilya nila o sa mga boyfriend nila sa ibang lugar. Matauhan ka naman sa ginagawa mong pangungupit o makonsensiya ka naman dahil may pamilya kang tao sa Pilipinas. Sila dapat ang isipin mo hindi iyong kung sino-sinong ka-text mo. Mayroong nagsasabing, "hindi naman kami kasal kaya okey lang na makipag-boyfriend kahit ilan" pero takot naman malaman ng asawa sa Pilipinas. Tapos pag wala ng money na ipinapadala iyong boyfriend, say goodbye na rin. Ang pangunguwarta at pangungupit ay walang pinag-kaiba sa pag-nanakaw.

Magkatulad din iyan. Tayong may pamilya na sa ating Inang bayan, pumunta tayo dito para pagandahin natin ang ating buhay; isipin natin kung paano natin itataguyod ang ating pamilya. Hindi natutulog ang Diyos. Lahat ng galaw natin ay alam Niya. If we do something bad expect that in the end you will be the one who suffer. We are not perfect but if we want to be one, we can.

Author: Ed Roquel
*Published in True Friends Newsmag (January 2009 issue)

No comments: