19 November 2009

Pasaway Na Puso

Puso -- katagang makapangyarihan, nakakakilig, makulay, minsan naman madugo at madalas pasaway. Kapag puso ang pinag-usapan marami ang natutuwa. Marami rin naman ang nalulungkot. At karamihan ay umiiwas sa usapang ito. Iba't iba man ang kuwento at dahilan ng bawat nilalang kung saan sangkot ang puso, it's still a part of our everyday scenario. Boring ang buhay kung wala kang matatawag na love life or sex life na karaniwang pasaway na puso ang siyang nagpapairal.

Hanga na sana ako sa kaibigan kong si Mabeth nang makita ko siyang all-out smile sa bagong pakilala sa aming foreigner guy friend. "Ang cute niya girl, 'di ba't kamukha niya si Ian Veneracion?", 'di niya mapigilang sabi. Sa sobrang tuwa ko, ginagap ko ang kanyang palad and gave her a handshake. "Wow, congrats 'tol! You did have an eye for a perfect creature." "Ano ba, kainis ka!", nakanguso niyang protesta. Natatawa na lang ako na pagmasdan ang reaction niya. Yeah, the guy was one hell of a hunk. Malaki nga lang ang brain damage ng kaibigan ko. Maya-maya pa'y narinig ko siyang tumitili. Hila ang laylayan ng aking damit, sinundan ko ang tingin ng kanyang mata. Sa 'di kalayuan mula sa pwesto ng aming mesa sa pub na aming pinasukan, isang naka-mint green sweater, nakabonnet at mala-anghel na mukha ang kampanteng nakikisabay sa indak ng tugtog. Cool ang porma, cool ang galaw, sobrang cool ang total package.

Mabeth rolled her eyes. "Ang cute niya. Kinikiliiiigggg ako..." Oh no! Kung naging dragon lang ako ako na bumubuga ng apoy, tustado na ang friend ko. "Hoy, 'yang nasa harapan mo ang ulamin mo. Dukutin ko kaya 'yang mata mo." Tumawa lang siya ng nakakaloka. "Basta, 'di tayo aalis dito hangga't hindi mo nakukuha ang number niya." Aba! demanding ang lola. Bakit ba kasi may mga nilalang na gaya niya? Siguro ako na lang ang natitirang abnormal sa mundo. Everything around the place makes me wanna kill myself.

Saan mang sulok dumako ang paningin ko, kakulay nila ang friend ko. Disaster talaga! Ganun pa man, mahal ko ang kaibigan ko kaya 'san man o anuman ang nakapagpapasaya sa kanya, s’yempre doon na rin ako. Pagbigyan ang kabaliwan, inalam ko ang pangalan ni cutie pie. Nice name. "Ice". Bongga! to the coolest level talaga. Bumalik ako sa aming mesa. Hindi pa rin mapakali sa kilig itong kaibigan ko. At nang tanungin niya ako kung nakuha ko ang number, "Your job," ang tanging sinagot ko sa kanya. Diskumpiyado pa rin ang hitsura nito. Kinuha nito ang bote ng beer at inisang lagok. Gawin bang tubig? Pinukol niya ako ng isang pilyang tingin saka nagmartsa palabas. Nahuhulaan ko na ang diskarte niya makuha lang ang numero ng kinakikiligan. Breaking the record. Salamat kay San Mig Lights!

Hindi ko alam kung nasa ayos pa siya ng mga sandaling 'yon. Napapailing na lamang akong sinundan siya. "Hi! 'Pwede ba makuha ang number mo?", walang pasakalyeng sabi nito paglabas ni Ice sa banyo. “Bakit ko naman ibibigay 'sayo, eh 'di ko nga binigay 'dun sa babaeng nangungulit sa akin kanina?”, tinutukoy nito ang medyo may edad ng katabi lamang nila kanina sa mesang inookupa nila. "Eh, kasi nga sa 'kin mo ibibigay," puno ng kumpiyansang tugon ni Mabeth. Tumawa lang ang huli. Naaaliw na lamang akong pagmasdan sila. Ayyy... puso nga naman. Mga Pasaway!

Sa pag-aakala ni Mabeth na 'di ko siya sinundan, agad siyang nagkuwento kung pa'no niya napasakamay ang numero ni Ice ng balikan niya ako. "So you really like that Ice, huh!", panunukso ko sa kanya. "So much!," abot tenga ang ngiti nito. The intense desire in their eyes couldn't be denied. They wanted each other. And in 2 days time simula ng magkakakilala sila, wala ng pakiputan. They were already an item. May magagawa ba ako? Puso nila 'yon. Well, who the hell cares?

Eh, ano ngayon if Ice is a les, as in "lesbian"? Kung kaguwapuhan lang din naman ang pag-uusapan, mas marami nga siyang mailalampaso na mga barako. Besides, it's the character that matters. Mali man sa tingin ng iba, eh ano ngayon? Mamatay na lang kayo sa inggit!

Author: Amy Gunnacao

No comments: